Capiz News

3 katao nagreklamo matapos lumuwas ng Manila ang upline, hindi nakapag-pay-out

Nagreklamo sa Roxas City PNP Station ang tatlong katao matapos tinakasan sila ng kanilang upline na hindi pa nakapag-pay-out sa kanilang investment.

Kinilala ang mga nagrereklamo na sina Jerald Morales, isang vendor, residente ng Arcabalo, Bolo; Remsy Dangan, isang guro at residente ng Brgy. Baybay; at Fortunato Gemolagas, isang driver, residente ng Roxas City.

Kinilala naman ang kanilang nirereklamo na si Michael Young, residente ng San Roque St., Arches Subd., Brgy. Inzo, Roxas City.

Nabatid na ang mga nagrereklamo ay nag-invest ng malaking halaga ng pera noong buwan ng Hunyo sa pangakong doble ang maging balik nito sa kanila sa buwan ng Hulyo.

Ayon sa report, Si Morales ay nag-invest ng kabuuang Php90,000, si Dangan ay Php160,000, habang Php40,000 naman ang kay Gemolagas.

Labis naman ang pagkadismaya ng tatlo na nang kukunin na sana nila ang kanilang pay-out ay wala na umano sa kaniyang bahay ang investor at may nakapagsabing lumuwas na ito ng Maynila.

Nananawagan ang tatlo kay Young na ibalik ang kanilang pera.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

14 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago