Capiz News

19-anyos timbog sa panibagong buybust operation sa Roxas City, Capiz

Natimbog ng kapulisan ang isang 19-anyos na lalaki na tulak umano ng droga sa panibagong buybust operation sa Brgy. Lawaan dito sa Roxas City.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang suspek na si Sandrex Warren Salazar, tubong Brgy. Lagdungan, Tapaz pero pansamantalang nakatira sa Brgy. Lawaan.

Nasabat ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang 15 sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, Php5,500.00 buybust money, at isang cellphone.

Tinatayang aabot sa limang gramo ang narekober na “shabu” o may katumbas ng hindi lalagpas sa Php40,000.

Nabatid sa panayam kay PLt. Mark Anthony Garcia, team leader ng PDEU, newly identified drug personality ang suspek.

Pansamantalang ikinulong sa Roxas City PNP ang suspek at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Share
Darwin Tapayan

Recent Posts

  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

1 day ago
  • Aklan News

Mag-live in partner timbog sa drug buy bust ops sa bayan ng New Washington

TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…

1 day ago
  • Ads

Garcia College of Technology

Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…

2 days ago
  • Aklan News

Power rate ng AKELCO tumaas ng 12.45%, mga consumers umaaray

Umaaray ngayon ang maraming consumers dahil bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumagdag…

3 days ago
  • National

“Old Malacañang building” nais i-develop para maging bagong “tourism assets” sa bansa – PBBM

Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali…

4 days ago
  • Aklan News

Motorsiklo sumalpok sa nag u-turn na tricycle, rider wasak ang ulo

Wasak ang ulo ng isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nag…

5 days ago