Categories: Aklan News

Tatay binato ng anak sa ulo dahil di pinayagang pumunta sa disco

Sugatan ang isang ama matapos masapul ng bato ng kanyang anak sa Brgy. Laserna, Nabas.

Kinailangang dalhin sa ospital ang 56 anyos na biktimang si Richard Saligumba dahil sa tinamo nitong sugat sa ulo nang batuhin ng kanyang anak.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente alas-7 ng gabi nang pilitin ng kanyang 21 anyos na anak na pumunta sa isang sayawan sa Toledo.

Pero dahil lasing na ito, di pumayag ang ama na umalis ang anak.

Ikinagalit ito ng kanyang anak kaya kumuha ito ng bato at ibinato sa kanya.

Hindi na nakailag ang biktima dahilan ng kanyang tinamong sugat, kasalukuyan na rin itong nagpapagaling sa ospital.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

6 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago