Categories: Aklan News

Sikat ng mga international artists makikisaya sa darating na beach parties sa Boracay

MAKIKISAYA ang ilan sa mga sikat na international artists sa darating ng mga beach parties sa isla ng Boracay.

Ito ang kinumpirma ni Malay Sangguniang Bayan member Datu Sumndad sa isang pulong balitaan nitong Sabado.

Ani Sumndad, maraming international stars, DJs at mga musicians na ang nakikipag-ugnayan sa kanila dahil nais rin ng mga ito na makisaya sa muling pagbabalik ng beach party sa isla.

“On are Pages, we already have inquiries from international stars, international DJs, international musicians. So within maybe next month…soon we will have international actors from holywood and from Europe,” wika ni Sumndad.

Sa katunayan ayon sa konsehal ay naka-usap na niya ang sikat na Filipino-American rapper at singer na si Apl.de.Ap gayundin ang apo ni late reggae superstar Bob Marley at anak ni American rapper, singer/songwriter Lauryn Hill na si YG Marley.

“I have been talking to Apl.de.Ap and YG Marley. Para sa lahat, si YG Marley is the grandson of Bob Marley and anak ni Lauryn Hill. So nag-usap na kami, kasama si Apl.de.Ap at isa pang rap star na babae. In partnership with international artists, we are going to make it happen in Boracay beach parties…very soon,” aniya pa.

Lubos naman ang kasiyahan ni Sumndad dahil nasa ikalimang beach party na aniya sila at malaki ang naitutulong nito sa muling pag-usbong ng tourism industry sa Boracay.

Giit nito, layunin ng idinaraos nilang beach party na muling mapagbigyan ang kahilingan ng mga turista lalo na ang mga party goers sa Boracay.

Ngunit nilinaw ng opisyal na ang Boracay Beach Party ay isang regulated party.

“This Boracay beach party is regulated by MIMT. So pag may MIMT, andyan na lahat ng agencies. Andyan si environment, andyan si MDRRMO, andyan si MAP, PNP, PDEA, Army, Navy, beacg guards, everything is there,” pahayag ng opisyal.

“Talagang binabantayan ng husto na yung party natin will be sigurado nga implemented ang regulations,” diin nito.

Share
Sarlyn Joy Maloloy-on

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

3 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

3 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

3 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

7 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago