Categories: Aklan News

BINATILYONG LASING SA PIYESTAHAN, NAG-AMOK DAHIL NAWALA ANG KANIYANG SUMBRERO

Nag-amok ang isang 18-anyos na binatilyong lasing matapos umanong mawala ang kaniyang sumbrero sa isang piyestahan sa Sitio Guba, Brgy. Tigayon, Kalibo gabi nitong Biyernes.
Ayon sa pinsan na kasama nito sa bahay, naabutan nila na lasing na ang nasabing binatilyo na nakipag-inuman sa kapit-bahay.
Nagsimula umano ang pag-aamok ng binatilyo nang hindi nito makita ang kaniyang sumbrero at iba pang mga gamit.
Sinasabing may nakaaway pa itong kainuman ngunit mabuti at naawat naman agad.
Dahil sa patuloy pa rin ang pagsisigaw nito at hindi na nakikinig maging sa kaniyang pamilya ay minabuting pinarespondehan na lang ito sa mga kapulisan.
Samantala, humagulgol naman ang nasabing binatilyo sa pag-iyak at pagmamakaawa nang ikustudiya ito sa Kalibo Municipal Police Station. (via Rhealyn Ortega)
Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Traysicle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

19 hours ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

20 hours ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago