Categories: Aklan News

Naaagnas na bangkay ng isang lolo, natagpuan sa Brgy. Palale, Banga

NAAAGNAS na ang bangkay ng isang lolo nang matagpuan ito sa Barangay Palale sa bayan ng Banga nitong Lunes.

Ang biktima ay kinilalang si Jaime Sumundang, 59, tubong Mindanao at kasalukuyang naninirahan sa nabanggit na lugar.

Ayon sa mga apo ng biktima, may limang araw ng hindi nakaka-uwi sa kanyang bahay ang kanilang lolo.

Anila, pabalik-balik na sila sa bahay ng biktima sa pag-asang madadatnan nila ito.

Inakala umano nila na nagtrabaho ito sa kalapit barangay kung kaya’t hindi pa nakaka-uwi.

Sinubukan din nilang hanapin ang kanilang lolo sa pamamagitan ng pag-post sa Facebook subalit wala naman silang natanggap na impormasyon tungkol sa biktima.

Nitong Lunes ng hapon lamang ng mag-report ang may-ari ng lupa sa mga kapulisan na may natagpuang bangkay sa kanilang lote.

Agad namang rumesponde ang Banga PNP at dito na nakumpirma nga mga apo ng biktima na bangkay nga ito ng kanilang lolo.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang nalaman ang ikinamatay ng biktima.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

18 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

18 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

18 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago