Categories: Aklan News

Misis, nadukutan sa loob ng grocery store, mahigit P11k na laman ng pouch natangay

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Banga PNP sa nangyaring pandurokot sa isang misis kahapon ng umaga sa Poblacion, Banga.

Ayon sa Banga PNP, humigit-kumulang P11,500.00 umano ang perang laman ng pouch ng biktimang si Alma Gumban, 46 ng Bacan, Banga, maliban pa sa ATM at driver’s license nito.

Ala 1:45 na kahapon ng hapon nagpa blotter ang biktima matapos umanong madukutan sa loob ng isang grocery store sa Poblacion, Banga, bandang alas 10:00 ng umagang iyon.

Base sa report, namimili noon ang biktima, ngunit huli na nang matuklasang wala na ang kanyang pouch nang magbabayad na sana ito sa counter ng kanyang mga pinamili.

Samantala, patuloy namang tinututukan ng Banga PNP ang ibinahaging post sa social media na kuha umano sa loob ng grocery store kung saan namili ang biktima.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Traysicle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

17 hours ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

18 hours ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago