Categories: Aklan News

Mayor Juris Sucro, magbibigay ng P30k na pabuya sa makapagtuturo ng suspek na pumatay kay Eduel Rebaño

Nag-alok ng P30,000 na pabuya si Mayor Juris Bautista Sucro sa kung sino man ang makapagtuturo ng suspek na pumatay kay Eduel Rebaño sa Sitio Tugbungan, Brgy. Pook, Kalibo.

Kinondena ng alkalde ang ginawang pagpatay sa nabanggit na miyembro ng LGBT community na natagpuang wala ng buhay sa isang kubo nitong Sabado, Disyembre 10.

Kung matatandaan, nagtamo ng mga malalang tama ng hampas sa ulo ang biktima na posibleng dahilan ng kanyang pagkamatay.

Natagpuan sa crime scene ang kahoy ng bayabas na maaaring ginamit umanong panghampas sa ulo ng biktima.

Pero hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin ang motorsiklong ginamit nito.

Nananawagan din ng hustisya ang pamilya ni Rebaño at agarang paglutas sa krimen.

Share
Mary Ann Solis

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo/Todo Magazine Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

3 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

3 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

3 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

6 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago