Categories: Aklan News

Lasing kulong matapos na dinuro-duro at hinamon ng away ang kapitan ng Albasan

Pansamantalang ikinulong sa Numancia PNP ang isang lasing matapos nitong duru-duruin at hamunin ng away ang kapitan ng barangay Albasan, Numancia.

Ayon kay PMSGT. Felizardo Navarra ng Numancia PNP, nangyari ang insidente alas-5:00 kahapon sa selebrasyon ng Pagbayaw kay Sr. Sto. Niño sa Albasan.

Sinasabing lasing ang suspek na si Jessie Magpusao, 44 anyos na residente ng nabanggit na barangay nang duru-duruin at hinamon nito ng away si kapitan Royden Perlas dahil umano kontra partido naman sila.

Pagkatapos na manghamon ng away ay agad umanong umalis si Magpusao pero nagdesisyon si kapitan na tumawag ng pulis para maiwasan na makaperwisyo pa ito ng iba.

Nagresponde naman ang mga pulis at dinalan si Magpusao sa Numancia PNP station para sa safekeeping.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

1 hour ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

3 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

5 days ago