Categories: Aklan News

LALAKING NAGKAUTANG SA ONLINE SABONG, NAGBIGTI-PATAY

Patay na nang matagpuan alas 3:30 kaninang madaling araw sa tinutulugang kwarto ang isang 41 anyos na lalaki sa isang lugar sa Altavas.

Sa imbestigasyon ng Radyo Todo, ginising ng kanyang amo ang biktima para magpahatid sa palaisdaan, subali’t hindi umano ito sumasagot.

Kinabahan umano ang kanyang amo, kung kaya’t tinawag nito ang iba pang pamily para pailawan ng flash light ang kuwarto at doon nila nakitang may tali ito sa leeg.

Kaagad naman silang tumawag ng pulis at taga punerarya upang asikasuhin ang labi ng biktima.

Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa kanyang pagkamatay.

Ayon naman sa kanyang pinagtatrabahuan at mga kaibigan, pasado alas 5;00 kahapon ng hapon nang huli nilang makita ang biktima na lasing na nang dumating galing sa inuman.

Kinumpirma din ng kanyang mga kasama sa bahay na marami nang naniningil sa biktima dahil sa mga pinagkautangan nito sa online sabong, na siya nilang nakikitang dahilan ng kanyang pagbigti.

NOTE: Kung ikaw ay may kakilalang nangangailangan ng tulong ukol sa mental health, i-contact ang National Mental Health Crisis Hotline sa mga numerong: 0917-899-8727 o 989-8727

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

26 mins ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

30 mins ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

32 mins ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

3 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

5 days ago