Categories: Aklan News

Lalaki, sinaksak ng kainuman

Sugatan ang isang lalaki matapos umanong saksakin mag-aalas 9:00 kagabi sa Polo, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Ronron Veric, 35 anyos ng nasabing lugar, habang nakilala naman ang suspek na si Burc Vincent Natal, sa legal na edad at residente naman ng Poblacion, New Washington.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng New Washington PNP, kapwa naroon at nag-iinuman sa isang birthday celebration ang biktima at suspek nang mangyari ang insidente.

Bigla na lamang umanong sinuntok ng suspek ang biktima sa mukha sa hindi pa malamang dahilan.

Tumakas umano ang biktima, subalit hinabol pa umano ito ng suspek at sinaksak gamit ang hindi pa natukoy na patalim.

Sinubukan namang sanggain ng biktima ang pananaksak ng suspek, ngunit tinamaan pa rin ito sa kanang dibdib.

Kaagad tumakas ang suspek, habang nagawa pang magmaneho ng motorsiklo ng biktima para magreport sa New Washington PNP station.

Kaagad din siyang dinala sa ospital, ngunit tumanggi na itong magpa confine dahil mababaw lamang umano ang kanyang tama.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga pulis ang suspek.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

12 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago