Categories: Aklan News

LALAKI, SINAKSAK NG BASAG NA BOTE SA MUKHA, SUGATAN

Sugatan ang isang lalaki matapos umanong saksakin ng basag na bote sa mukha ng mismong kainuman alas 10:25 kagabi sa Andagao, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Rodel Cuarez, 38 anyos, at ang suspek na si Jessie Bert Datuin, 29 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng pulis, magkakasama ring nag-iinuman sa isang bahay kagabi ang dalawa kasama ang isa pa nilang barkadang si Terence Dela Cruz na taga Feliciano, Balete.

Kinalaunan, nagtalo umano biktima at suspek dahil umano sa kanilang kalasingan, na nauwi sa panununtok ni Datuin kay Cuarez sa dibdib. Kaunod nito, kumuha pa umano ng basag ba bote si Datuin at sinaksak sa mukha ang biktima.

Doon na umano pumagitna si Dela Cruz, kung saan sila naman ang nagrambol ni Datuin.

Samantala, kaagad dinala at ginamot sa ospital si Cuarez na nakalabas din agad, at doon na silang tatlo nagkita sa presento ng Kalibo PNP.

Nagkasundo naman ang mga ito na idaan nalang sa barangay justice system ng New Buswang ang kanilang problema.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

6 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago