Binawian ng buhay ang isang di pa nakikilalang lalaki matapos tumalon sa Kalibo-Numancia Bridge kaninang madaling araw.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Johndelle Simeon, isa sa mga nakakita at tumulong sa biktima, ilang beses umano nilang nakitang pabalik-balik sa tulay ang lalaki.
Mula ito sa direksyon ng Kalibo at may apat na beses pang umalis at bumalik sa tulay bago ito tuluyang tumalon.
Ayon kay Simeon, nakita pa nila ng kanyang mga kainuman na kumakampay sa tubig ang biktima.
Kalaunan ay tumalon na din umano ang kanyang mga kasamahan para sagipin ang lalaki.
Tagumpay naman nila itong naiahon sa tubig pero natagalan umano bago dumating ang mga rescuers kaya nagdesisyon na silang isakay ang biktima sa tricycle at dalhin sa ospital pero binawian din ito ng buhay.
Walang makitang pagkakakilanlan sa biktima bukod sa nakasuot ito ng striped long sleeves at maong na asul.
Kasalukuyang nasa morgue ng Aklan Provincial Hospital ang katawan ng biktima.
Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…
NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…
AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…
SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…
Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…