Aklan News

LALAKI, BINARIL-PATAY NG RIDING IN TANDEM

Dead on arrival sa ospital ang isang lalaki matapos umanong barilin- patay ng riding in tandem bandang alas 11:15 kaninang tanghali sa Crossing Puis, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Marlon Taja, 41 anyos ng San Jose, Ibajay habang sinasabing dalawang hindi pa nakilalang suspek ang bumaril sa kanya.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagmamaneho ng kanyang topdown tricycle na may kargang kawayan ang biktima kasama ang pamangkin paliko sa Puis Centro nang huminto umano sa kanilang likuran ang nagmomotorsiklong mga suspek.

Pinaputukan umano ang biktima ng isa sa dalawang suspek at kaagad sumibad papunta sa direksyon ng Tigayon, Kalibo habang tumakbo naman dahil sa takot ang kanyang pamangkin.

Kaagad namang dinala sa ospital ang biktima subaliā€™t hindi na ito umabot ng buhay.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng krimen.

(Developing story)

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

6 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago