Categories: Aklan News

LALAKI, ARESTADO SA ‘ILLEGAL LOGGING’

Nakatakdang sampahan ng kaso ngayong umaga ang isang lalaking naaresto alas 3:20 kahapon ng hapon sa Carugdog, Lezo dahil sa ilegal logging.

Nakilala ang naarestong lalaki na si Ulyses Santiago, 43 anyos ng Silacat Nonok, Lezo.

Base sa report ng Lezo PNP, nakatanggap umano sila ng sumbong hinggil sa nagaganap na pagputol ng kahoy ng suspek sa Carugdog, rason na kaagad nilang inimbestigahan.

Pagdating sa lugar, nakita umano ng mga pulis ang 15 piraso ng coco lumber na katatapos lamang lagariin ng suspek.

Kaagad naman siyang hinanapan ng kaukulang dokumento, subaliā€™t napag-alamang paso o expired na ang permit ng kanyang chainsaw, at wala rin umano itong permit mula sa PCA o Philippine Coconut Authority.

Dahil dito, inaresto ng mga pulis ang suspek at pansamantalang ikinustodiya sa Lezo PNP Station para sa karampatang disposisyon, kasama ang mga kinumpiskang kahoy.

Paglabag sa RA 9175 o Chainsaw Act of 2002 at RA 8048 o Coconut Preservation Act ang kasong kakaharapin ng suspek.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Halos P80K iniwang danyos sa naabong restobar sa Kalibo

TINATAYANG nasa P78,750 ang halaga ng danyos matapos tupukin ng apoy ang Jack N Jill…

6 hours ago
  • Aklan News

3 kaso ng pamemeke ng LTO license cards naitala ng LTO-Aklan

Kinumpirma ni LTO-Aklan Chief Engr. Marlon Velez na may mga motorista na nahuhuling gumagamit ng…

4 days ago
  • Aklan News

Delsol Zunio Jr, isa sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap sa empleyado ng J&T sa Makato

Isa na ngayon sa mga itinuturing na person of interest sa panghoholdap at pagpatay sa…

5 days ago
  • Aklan News

6 sachet ng droga, nakuha sa kotse ng lalaking dinakip matapos takbuhan ang mga pulis sa checkpoint

Nakuhaan ng 6 na sachet ng droga ang lalaking hinuli ng mga kapulisan sa Balactasan,…

5 days ago
  • Aklan News

Lalaki patay sa pananaksak ng kainuman sa isang fiesta

Naligo sa sariling dugo ang isang lalaki matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa isang pista…

6 days ago