Categories: Aklan News

KAPOTODA TUTOL SA BAGONG FARE MATRIX NG MGA TRAYSIKEL SA BAYAN NG KALIBO

Hindi pabor ang Kalibo Poblacion Tricycle Operators and Drivers Association (KAPOTODA) sa bagong ipinalabas na fare matrix ng  Sangguniang Bayan para sa mga pumapasadang traysikel sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Gervy Ibarra, acting president ng KAPOTODA, sinabi nito na masakit sa kanilang damdamin bilang mga drayber at operators ang nasabing bagong taripa.

Aniya, hindi sila ipinatawag noong nagsagawa ng public hearing para sa nasabing fare adjustment.

Pahayag ni Ibarra na mula sa P15 pesos ay naging P12 pesos nalang ang pamasahe mula sa Poblacion proper patungong capitol area, eastern terminal at cardinal sin avenue.

Dahil dito, umaapela si Ibarra sa Sangguniang Bayan lalo na kay SB member Matt Aaron Guzman, ang may hawak sa komitiba ng transportasyon na kung maaari ay ibalik nalang sa dating presyo ng pasahe na sampung piso para sa Poblacion area at P15 pesos naman sa labas ng Poblacion, Kalibo.

Mahirap din umano para sa kanilang ang magsakay ng limang pasahero gayundin na lubos silang naaapektuhan ng oil price hikes sa bansa.

Ang KAPOTODA ay mayroong mahigit 1,835 na miyembro ng mga drayber at operators na siyang pumapasada sa bayan ng Kalibo.

Share
Sarlyn Joy Maloloy-on

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

10 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago