Categories: Aklan News

KAMPANYA PARA IWAS-SUNOG, SUMIPA NA PARA SA FIRE PREVENTION MONTH

Walang nangyaring sunog kahapon sa Kalibo subalit narinig ang pagwang-wang ng apat na fire trucks ng Bureau of Fire Kalibo kahit maulan kasama ang ibang force multipliers sa bayan.

Kaugnay ito sa kick-off ceremony ng BFP sa Fire Prevention Month.

Ayon kay BFP Kalibo Fire Marshall SINSP Arden Bedoña, isang buwan lang sa loob ng isang taon ang Fire Prevention Month subalit hanggat maaari dapat araw-araw ang fire prevention.

Samantala, bukod sa pag motorcade at pagwang-wang ng mga bumbero, naglagay din ang BFP Kalibo ng mga poster na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa” sa ilang mga establisyemento at mga lugar bilang paalala sa kanilang kampanya laban sa sunog.

Isinasagawa ang taunang Fire Prevention month tuwing unang araw ng buwan ng Marso.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

1 day ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago