Categories: Aklan News

Habal-habal driver arestado sa buy-bust operation sa isla ng Boracay

Arestado ang isang habal-habal driver na tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation alas 11:27 kagabi sa Sitio Lapus-Lapus, Balabag Boracay.

Kinilala ang suspek na si Mardy Lazaro, 32, tubong Bulacan at ngayon ay naninirahan sa Sitio Lapuz-Lapuz, Boracay.

Nakuha kay Lazaro ang 1 sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P1000 na buy-bust money.

Karagdagang apat na sachet ng suspected shabu pa ang narekober sa kanyang posisyon.

Samantala, mariin naman itong itinanggi ng suspek kung saan ayon sa kanya ay hindi siya nagbebenta ng illegal na droga.

Ayon naman sa Malay PNP, matagal na nilang minomonitor ang nasabing suspek na nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot sa isla.

Dahil dito mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang suspek na si Lazaro.

Share
Reynald Bandiola

Program/Beat: Reporter/Boracay Years/background in Media works: 10 years Why chose this profession: Passion Principle in life: “Do what You Love...

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

23 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

23 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

23 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago