Categories: Aklan News

Ginang na patawid sa kalsada na hit-and-run ng tricycle, driver hindi pa tukoy

Hindi parin natutukoy ang tricycle driver na nang hit and run sa isang ginang na patawid ng kalsada sa Toting Reyes St. Brgy. Andagaw, Kalibo dakong alas- 10:45 kagabi.

Nakilala ang ginang na si Melita Salmorin, 57-anyos na residente it Brgy. Solido, Nabas, Aklan.

Napag-alaman na habang patawid si Salmorin ay bigla na lamang siyang nabangga ng isang tricycle na kulay orange at imbes na tumigil ay humarurot pa ito papunta sa direksyon ng Bayanihan Road

Bunsod nito, iniinda ng nasabing biktima ang sakit sa kaniyang likod.

Samantala, hindi rin nakuha ng biktima at ng ibang mga nakakita ang plate number ng tricycle na nakabangga sa kanya.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP kaugnay sa nangyari.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

30 mins ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago