Categories: Aklan News

FORMER MAYOR WILLIAM LACHICA, PANATAG NA MANANALO SA PAGKAGOBERNADOR SA DARATING NA HALALAN

Panatag si dating Kalibo Mayor William Lachica na mananalo ang kanyang hanay sa darating na eleksyon.

Ngayong araw, Oktubre 8, naghain na ng Certificate of Candidacy si Lachica para sa pagkagobernador ng Aklan.

Kasama niyang nagfile ng COC sa COMELEC province dakong alas-9:00 kaninang umaga ang kanyang running mate na si incumbent board member Atty. Noli Sodusta para sa pagka bise gobernador.

Naroon din si Batan Mayor Rodell Ramos na tatakbo naman bilang kongresista sa unang distrito ng Aklan.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Lachica, sinabi niya na sisiguruhin na nilang mananalo ang kanilang partido sa darating na national at local elections 2022.

Aniya, nakumpleto na ang kanilang kandidato sa board members na pambato sa una at ikalawang distrito ng Aklan kaya tiwala ito na makakamit na nila ngayon ang pagkapanalo.

Share
Rolly Herrera

Program/Beat: Anchorman Todo Arangkada from 5-6pm, Police reporter /Capitol reporter from 5-11Am Years/background in Media works: From 1987 up to now.Why chose this profession: To serve as public service for the greatest good and for the greatest number.

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

1 day ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

1 day ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

1 day ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago