Aklan News

COVID testing center ng Aklan, posibleng buksan sa unang linggo ng Agosto

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang Aklan provincial government sa Department of Health (DOH) para sa itinatayong sariling COVID testing Center sa probinsiya.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Cornelio Cuachon, dumating nitong Miyerkules ang mga taga DOH, Research Institute for Tropical Medicine (RITM), at World Health Organization (WHO) para sa stage 3 assessment ng molecular lab para mabigyan na ng license to operate ang testing center. Dagdag pa ni Cuachon, sumabak na rin sa proficiency training ang mga doktor at nurse na itatalaga sa naturang laboratoryo na makikita sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.

Malaki umano ang maitutulong ng testing center dahil magiging mabilis na ang paglabas ng resulta ng mga swab test at hindi na kailangan dalhin pa sa Western Visayas Medical Center ang mga specimen na mula sa Aklan. Mayroon aniyang molecular lab para sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) na kayang mag-accommodate ng 200 swab specimen sa isang araw at geneXpert machine na kayang mag proseso ng mahigit 30 specimen sa loob ng walong oras.

Inaasahang matatanggap na ng probinsiya ang license to operate sa unang linggo ng Agosto, at sa oras na makuha ito ay ipatutupad na ang full operation ng testing center.

Share
Mary Ann Solis

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo/Todo Magazine Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Recent Posts

  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

1 day ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

3 days ago
  • National

PBBM, ipinag-utos na pag-aralan at i-adjust ang minimum wage ng mga manggagawa

Ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Regional Tripartite Wage and Productivity Boards na muling…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P80K iniwang danyos sa naabong restobar sa Kalibo

TINATAYANG nasa P78,750 ang halaga ng danyos matapos tupukin ng apoy ang Jack N Jill…

5 days ago
  • Aklan News

3 kaso ng pamemeke ng LTO license cards naitala ng LTO-Aklan

Kinumpirma ni LTO-Aklan Chief Engr. Marlon Velez na may mga motorista na nahuhuling gumagamit ng…

1 week ago