Muling naaresto ng mga kapulisan ang isang lalaking dati nang nakulong dahil sa droga sa ikinasang buy bust operation ng mga kapulisan kagabi, Pebrero 16 sa Brgy. Tigayon, Kalibo.
Kinilala ang naarestong si Jerry Abancio Militante, 50 anyos, isang construction worker na residente ng nabanggit na lugar.
Nahuli ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng Kalibo PNP at PDEU-Aklan at nakuhaan ng dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng P5000 na buy bust money.
Pansamantalang kinulong si Militante sa Kalibo PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022 na isasampa laban sa kanya.
Napag-alaman na dati nang nahulihan ng droga si Militante sa Kalibo Public market pero nakalaya ito dahil sa plea bargaining.
SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…
Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…
Ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. sa Regional Tripartite Wage and Productivity Boards na muling…
TINATAYANG nasa P78,750 ang halaga ng danyos matapos tupukin ng apoy ang Jack N Jill…
Kinumpirma ni LTO-Aklan Chief Engr. Marlon Velez na may mga motorista na nahuhuling gumagamit ng…