Categories: Aklan News

Anak ng pulis, nawalan ng malay at isinugod sa ospital matapos na masampal ng tanod

Nawalan ng malay ang isang 16 anyos na binata matapos mauntog ang ulo sa semento nang sampalin ng isang tanod sa Brgy. Castillo, Makato.

Batay sa ulat, nagpapahinga ang biktima sa waiting shed ng plaza matapos maglaro ng basketball nang lapitan ito at sinampal ng Brgy. Tanod na si Ryan Aguarino, 30 anyos, residente ng nabanggit na barangay.

Tumama ang ulo ng biktima sa semento kaya nawalan ito ng malay at dinala sa ospital.

Ayon naman sa tanod na si Aguarino, pamangkin niya ang biktima at pinsan niya ang ama nito na isang pulis.

Depensa niya, pareho silang nakainom ng kanyang pamangkin dahil kaarawan ng kanilang lola.

Nagkakantiyawan umano sila at nagbibiruan dahil broken hearted ang biktima at hindi nito sinasadya na masampal ito ng malakas.

Nagkaayos naman umano sila matapos siyang magbigay ng P5000 na pandagdag sa gastusin ng pagpapagamot sa biktima.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

15 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

15 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

15 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago