Categories: Aklan News

AKLAN, GCQ NA SA SEPTEMBER 8

Kinumpirma ni Kalibo Mayor Emerson Lachica na ibababa na sa General Community Quarantine (GCQ) ang quarantine status ng Aklan sa Setyembre 8, 2021.

Ipinaabot umano ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) meeting kahapon na naglabas ng resolusyon ang National IATF na magiging GCQ na ang Aklan pagkatapos ng MECQ status sa 7.

Kasunod nito, napag-usapan nila ang mga magiging pagbabago sa ilalim ng GCQ status.

Kasama rito ang pagpayag sa dine-in samga restaurants/kainan ng hanggang sa 30% capacity.

Pati na rin ang pagbukas ng mga salon at parlors sa 30% capacity.

Maliban dito, balak din nila na i-adjust ang business hours sa Aklan ng hanggang sa alas-7 ng gabi.

Samantala, ang curfew hours ay mananatili pa rin sa alas-8 ng gabi ng hanggang sa alas-4 ng madaling araw.

Nakatakdang maglabas ng Executive Order si Governor Miraflores kaugnay sa mga napagkasunduan sa nasabing pagpulong.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

22 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago