Categories: Aklan News

31 anyos na lalaki patay nang pagsasaksakin sa harap ng isang tindahan

Duguan at nakaupo sa kalsada nang maabutan ng mga kapulisan ang isang lalaking nasawi sa pananaksak sa may harap ng isang tindahan kagabi sa Brgy. New Buswang, Kalibo.

Kinilala ang biktimang si Jaheel Custodio, 31, ng Brgy. Talon, Altavas na kasalukuyang nakatira sa Brgy. Andagao, Kalibo habang ang suspek ay kinilalang si Janeray Yacub, 35, ng Bulwang, Numancia.

Batay sa kuha ng CCTV mula sa Polido Store, makikitang may binibili ang biktima sa tindihan nang dumating ang suspek.

Pinaniniwalaang nagkaroon ng argumento ang dalawa hanggang sa hinabol ng suspek ang biktima at pinagsasaksak sa kaliwang dibdib, likod at binti.

Dinala pa sa ospital ang biktima pero idineklara itong patay ng doktor.

Samantala, kusa namang sumuko ang suspek sa Numancia PNP station.

Share
Reynald Bandiola

Program/Beat: Reporter/Boracay Years/background in Media works: 10 years Why chose this profession: Passion Principle in life: “Do what You Love...

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

1 day ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

1 day ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

1 day ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago