Categories: Aklan News

20 ANYOS NA MISTER NAGBIGTI, PATAY

New Washington – Patay na nang matagpuan pasado alas 12:00 kaninang tanghali ang isang 20 anyos na mister matapos umanong magbigti sa loob ng kanyang kuwarto sa Poblacion, New Washington.

Ayon sa New Washington PNP, posibleng sa pagitan ng alas 10:00 o alas 11:00 kaninang umaga ginawa ng hindi na pinangalanang biktima ang kanyang pagbigti gamit ang lubid na nylon, habang siya lang ang mag-isa sa kanilang bahay.

Ayon pa sa pulis, mismong ang lola ng biktima ang nakatuklas sa biktima habang nakabigti ito sa trusses ng kanyang kuwarto.

Sa kabila nito, naniniwala naman umano ang kanyang pamilya na walang ‘foul play’ sa kanyang pagpapakamatay lalo pa’t wala naman umano itong sugat sa katawan.

Sinasabing nasa dalawang araw na umano itong napansin na kanyang pamilya na tahimik o walang kibo.

Ayon pa sa report, bandang alas 9:30 kaninang umaga nang huling makita ang biktima nang bumili ito ng sigarilyo sa isang tindahan.

Pinaniniwalaang problema sa pamilya ang nagtulak sa biktima upang magpakamatay.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Admin ng J&T na magdedeposit sana ng pera, patay matapos barilin ng holdaper sa Dumga, Makato

Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…

3 hours ago
  • Aklan News

Mag-live in partner timbog sa drug buy bust ops sa bayan ng New Washington

TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…

8 hours ago
  • Ads

Garcia College of Technology

Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…

22 hours ago
  • Aklan News

Power rate ng AKELCO tumaas ng 12.45%, mga consumers umaaray

Umaaray ngayon ang maraming consumers dahil bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumagdag…

2 days ago
  • National

“Old Malacañang building” nais i-develop para maging bagong “tourism assets” sa bansa – PBBM

Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali…

3 days ago
  • Aklan News

Motorsiklo sumalpok sa nag u-turn na tricycle, rider wasak ang ulo

Wasak ang ulo ng isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nag…

4 days ago