Categories: Aklan News

2 lalaki, sugatan sa pananaksak sa Malinao

Isinugod sa ospital ang dalawang lalaki matapos na masaksak sa Brgy. Bulabod, Malinao.

Kinilala ang mga biktimang si Mark Anthony Rubio, 41 anyos, na nagtamo ng tama ng pananaksak sa tiyan at si Jimmer Yabut, 18 anyos na may tama rin ng pananaksak ng kanang balikat.

Kinilala naman ang mga suspek na si Emman Nobleza, 18 anyos, ng Navitas, Malinao, Jay-Ar Isuga, 18 anyos ng Cabayugan, Malinao at isa pang menor de edad nilang kasama.

Batay sa imbestigasyonn, kapwa galing sa sayawan at nakainom ang mga biktima at suspek.

Dating alitan ang tinitingnang motibo sa krimen batay kay PSMS Gerold Isuga ng Malinao PNP.

Kasong frustrated homicide ang kahaharapin ng mga suspek.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

22 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

22 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

22 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago