Aklan News

18-ANYOS NA BINATA, ARESTADO SA PANANAKSAK

Kalibo – Arestado ang 18 anyos na binata matapos manaksak pasado alas 8 kagabi sa Mercedes Village, New Buswang, Kalibo.

Nakilala ang suspek na si Dave Tubalinal, residente ng New Buswang, Kalibo habang confined ngayon aa ospital ang biktimang si Richard Tinapunan, 40 anyos at residente ng Mercedes Village, New Buswang, Kalibo.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, pauwi na kagabi sakay sa kanyang bisekleta si Tinapunan ng makasalubong si Tubalinal at bigla na lamang niyang sinaksak ang biktima sa ilalim ng kili-kili.

Agad umanong tumakas ng suspek pagkatapos ng insedente dahilan upang hindi na ito naabutan ng mga rumesponding mga pulis.

11:40 kagabi habang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga otoridad ng makatanggap ng mensahe mula kay certain “Allan” at nag-iimporma na andon sa Mercedes Village ang suspek at handa na umano itong sumuko.

Agad na kinuha ng mga pulis ang suspek sa lugar at dinala sa ospital at positibo na itinuro ng biktima na ito ang sumaksak sa kanya.

Sa eksklusibong panayam ng Radyo Todo sa suspek, inamin nito na nasaksak niya ang biktima dahil umano sa kanyang pagkabigla ng makasalubong niya ito sa daan habang tumatakas sa humahabol umano sa kanyang mga kalaban nilang grupo at ang biktima ay kasama sa grupong kalaban nila.

Inamin din niya na may alitan ang kanyang grupo sa grupo ng biktima pero matagal na umano iyon.

Itinanggi naman niya na siya ang nambato sa bubong ng isang bahay sa Mercedes Village kagabi bago mangyari ang pananaksak.

Kasalukuyang nakakulong sa Kalibo PNP si Tubalinal at inihahanda na ng inquest case laban sa kanya.

Share
Rolly Herrera

Program/Beat: Anchorman Todo Arangkada from 5-6pm, Police reporter /Capitol reporter from 5-11Am Years/background in Media works: From 1987 up to now.Why chose this profession: To serve as public service for the greatest good and for the greatest number.

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

4 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago