Categories: Aklan News

16-ANYOS NA DALAGITA, GINAHASA NG APAT NA KALALAKIHAN

Malagim na pangyayari ang sinapit ng 16 anyos na dalagita matapos gahasain ng 4 na kalalakihan kagabi sa Brgy. Jalas, New Washington, Aklan.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, alas-otso kagabi ng sinundo ng isa mga suspek na menor de edad ang biktima na nakilala lamang sa Facebook na agad naman itong sumama.

Pagdating sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Jalas kung saan doon dinala ang biktima kasama ang 3 menor de edad.

Nagkayayaan sila na mag inuman, pero bumili muna ng alak ang isang suspek sa tindahan at doon nakita at niyaya ang isa pang suspek na 22 anyos na makipag-inuman sa kanila.

Alas-onse na ng gabi at dahil na rin sa impluwensya ng alak at nakainum na rin ang biktima sunod-sunod na nila itong ginahasa.

Magkasunod na gumahasa ang tatlong menor de edad at pang huli naman ang 22 anyos na lalaki.

Matapos ang panghahalay sa biktima agad na umalis ang mga menor de edad at naiwan naman ang isa nilang kasama.

Dahil sa pangyayari nag sumbong ang biktima sa kanyang pamilya at humingi ng tulong sa mga kapulisan.

Agad namang naaresto ang mga salarin at inamin ang kahalayang ginawa sa biktima.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga pulis ang mga suspek.

Share
Jess Salonzo

Program/Beat: Police Reports Years/background in Media works: 6 yearsWhy chose this profession: I want to disseminate information to the people. Principle in life: “If something is troubling me, it is something I need to stop doing.”

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

4 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago