Ibajay, Aklan- nNakapagtala ngayong araw ang bayan ng Ibajay ng labing isang bagong kaso NG COVID 19.
Ito ang kinumpirma ni Ibajay Mayor Jo-en Miraflores sa pakikipagpanayam sa Radyo Todo.
Nagmula lahat sa Barangay Ondoy ang labing isang nagpositibo sa nasabing sakit.
Matatandaan na 146 indibidwal na high risk contact ng unang mga nagpositibo sa nasabing barangay ang isinailalim sa swab test noong nakaraang araw.
Samantala, nagnegatibo naman sa test ang dalawampung indibidwal na taga-Brgy.Laguinbanua na isinailalim sa swab test.
Noong nakaraang Sabado, Abril 17, isinailalim sa 14-day surgical lockdown ang barangay Ondoy at Laguinbanua dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19.
Patuloy naman na nanawagan ang alkalde na iwasan muna ang mga pagtitipon-tipon at sundin ang mga ipanapatupad na health protocols para maiwasan ang nakakahawang sakit.
Nagwakas ang buhay ng isang lalaking admin ng J&T matapos barilin ng holdaper sa Brgy.…
TIMBOG ang dalawang Street Level Individual na mag live-in partner matapos na mahulihan ng shabu…
Garcia College of Technology An Institution Committed to Affordable and Accessible Quality Education. CONGRATULATES ITS…
Umaaray ngayon ang maraming consumers dahil bukod sa mataas na presyo ng mga bilihin, dumagdag…
Sinimulan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasaayos ng mga lumang gusali…
Wasak ang ulo ng isang rider matapos na sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa nag…