Connect with us

National

Bagong LPA namataan sa labas ng PAR binabantayan ng PAGASA

Published

on

weather forecast

Ayon sa PAGASA, ang low-pressure area na nakita sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ay may maliit na tyansang maging bagyo, pero magdadala ito ng ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Maliit ang tyansang maging bagyo sa susunod na 2 hanggang 3 araw pero posibleng magdulot ng pag-ulan, lalo na sa silangang bahagi ng kabisayaan at Bicol Region sa mga susunod na araw,” saad ni weather forecaster Raymond Ordinario.


Kaninang madaling araw, sa isang 4 a.m. report ng PAGASA, sinabi nito na matatagpuan ang LPA, 1,095 kilometers east of Mindanao at inaasahang papasok sa PAR sa pagitan ng Sabado at Linggo.

Pero, kahit malayo pa ang center ng LPA sa PAR, ang extension area nito o yung tinatawag na trough ay nakakaapekto na agad sa bansa, partikular sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang trough ay inaasahang magdadala ng cloudy skies with scattered rain showers at thunderstorms sa ilan bahagi ng Visayas, Bicol Region, Mimaropa, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Quezon Province.

Ang Metro Manila naman ay makakaranas ng partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers dahil sa thunderstorms.

Wala pang babala ng gale ang PAGASA, pero hinihimok ang publiko, lalo na sa mga nakatira sa low-lying areas na mag-ingat palagi.

 

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *