Connect with us

Viral Videos

Pagsunog sa sariling bahay, ni-live stream ng isang lalaki sa Palawan

Published

on

Viral sa social media ang pagkatupok  ng isang bahay sa Palawan, matapos itong silaban ng anak ng may-ari nito.

Dahil sa inis sa kinakasama, sinunog ng 18-anyos na si Raymond Estrosas ang kanilang bahay.

Naganap ito sa Barangay Abongan, Taytay, Palawan, tanghali ng June 25, 2021.

Ipinagmalaki pa ito ni Estrosas sa pamamagitan ng pagpapakita sa FB live ng pagsunog niya sa tahahan ng kaniyang ina, kung saan din sila nakatira ng kaniyang kinakasama.

Maririnig sa video na iniwan siya ng kaniyang live-in partner sa kabila umano ng pagsusumikap niya na maibigay ang kanilang pangangailangan.

Napag-alaman namang  madalas na ang kanilang pagtatalo kung kaya’t nagpasundo sa kaniyang ama ang live-in partner ni Estrosas.

Dahil dito, naglasing si Estrosas at saka ginawa ang panununog.

Advertisement

Galit na galit ang kapitbahay ni Estroso na nakatira naman sa likod ng natutupok na bahay.

Sa kabila nito, walang naka-awat kay Estroso.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya si Estroso.

Hinihintay pa kung magsasampa ng kasong arson  ang pamilya niya laban sa kaniya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *