Connect with us

Viral Videos

9 NA KILLER WHALES, NAMATAAN SA LIBERTAD, ANTIQUE

Published

on

Caught on camera ang mga killer whales na nakuhanan ng video ni Dive Master Khalid Facullo.

Namataan ng mga divers mula sa Antique at Boracay ang mga killer whales o orcas, nang magsagawa sila ng exploratory dive noong May 31, 202 sa Maniguin Island sa Culasi, Antique.

Ayon sa tagapamahala ng Dive Gurus Boracay na si Mylene Arboleda, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makasalamuha sila ng mga orcas.

Kabilang sa grupo ng mga orcas ang isang batang orca na lumalangoy sa tabi ng ina nito, ang nakita ni Haronov Vargas ng DENR.

Saad ni Dive Instructor Jojo Arboleda, “We hope to see more of the orcas in the wild especially here in Panay Island. Let us protect these gentle giants because it is our natural treasure.”