Connect with us

Uncategorized

“Tanan nga mga bagay, mayad man o bukon hay gabalik gid-a katon”: Honest Aklanon na nagsauli ng bag na may lamang higit P29K at mga dolyar

Published

on

Photo| Kalibo PNP

“Uwa man it bagay nga uwa gabalik katon. Tanan nga mga bagay, mayad man o bukon hay gabalik gid-a katon.”

Ito ang naging pahayag ng tapat na Aklanon na si Lara Melissa Zapico, 23 anyos na nagsauli ng isang handy bag na naglalaman ng humigit kumulang P29, 000 at mga dolyar.

Kwento ni Lara sa Radyo Todo, napulot niya ang itim na bag sa daan paglabas ng kanyang tinutuluyan sa Barangay Estancia, Kalibo para sana magpaload.

Napansin nito na medyo may kabigatan ang bag at may laman itong mga barya ngunit hindi niya ito binuksan kundi dinala kaagad sa Kalibo Police Station.

Saad ni Lara, sumagi kaagad sa isip niya ang kawawang may-ari ng bag, “Ro amon gid-a nga naisip sang kaibahan hay kaeuoy gid ah ro tag-ana kara.”

Doon na nila nalaman sa istasyon ng pulisya na may humigit kumulang P29, 000 at mga dolyar na laman ang bag.

Kalaunan ay dumating na rin sa istasyon ang may-ari ng bag na isa palang negosyante na nawalan ng trabaho ngayong pandemya. Nabatid na ang pera ay capital pala ng kanilang negosyo.

Si Lara ay tubong Poblacion, Libacao at nagtatrabaho sa Cahilig Aircon-Ref and Allied Services.

“Indi kita magdalawang isip, isipon naton kung what if katon man may matabo nga makaruyon ag bumalik katon kung ano man atung gin-obra,” lahad pa nito.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *