Connect with us

Capiz News

Babae sugatan matapos bumangga ang motorsiklo sa early warning device sa Ivisan, Capiz

Published

on

Sugatan ang isang babae matapos matapos mabangga ang kaniyang menamanehong motorsiklo sa early warning device sa Brgy. Mianay, Ivisan, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Fredeline Gimoto, 24-anyos, empleyado ng Philippine Statistics Authority, at residente ng Brgy. Mianay, Ivisan, Capiz.

Batay sa imbestigasyon ng Ivisan PNP, nagmamaneho ng kaniyang motorsiklo ang nasabing biktima nang hindi nito napansin na inaayos pala ang kalsada sa nasabing lugar.

Dahil rito nawalan umano ng kontrol sa menamaneho nitong motorsiklo ang nasabing babae at bumangga ito sa isang early warning device dahilan ng kaniyang pagkatumba.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima. Agad siyang isinugod ng rumespondeng mga tauhan ng Ivisan Response Unit sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

(Photo credit to the owner)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *