Connect with us

Uncategorized

“Kabataan Kontra Droga at Terorismo” muling inilunsad ng Panitan PNP

Published

on

Muling inilunsad ng Panitan PNP ang programa na Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa pangunguna ng hepe nito na si PLt. Merry Chris Dela Cruz.

Ayon kay PLt. Dela Cruz, layunin ng nasabing programa ang gabayan ang mga kabataan na iwasan ang paggamit ng iligal na droga pati na ang panglilinlang ng mga teroristang grupo.

Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng SK Federation ng Panitan kabilang na ang bagong buong KKDAT-Panitan Chapter.

Nanumpa ang mga miyembro ng KKDAT-Panitan Chapter na pananatilihin nila ang kapayaan, maging responsableng mga miyembro ng pamilya at komunidad.

Naging panauhing tagapagsalita sa aktibidad na ito sina Panitan Mayor Katherine Dequina-Belo, Maj. Rito Petinglay at 2ndLt. Aljon Itucas ng Philippine Army 603rd ARESCOM, KaTodo Vergel “Botsoy” Obienda ng Radyo Todo Capiz.

Kasama rin dito sina Kieth Jay Aducal, SK Federation President ng Panitan at President ng KKDAT-Panitan Chapter, at Jerico Valdez Quidez, Secretary General ng KKDAT Philippines.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *