Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos barilin sa Brgy. Wright, Tapaz, Capiz

Published

on

Patay ang isang 33-anyos na lalaki matapos na barilin sa Brgy. Wright, Tapaz, Capiz.

Kinilala sa report ng Tapaz PNP ang biktima na si Ireneo Yesca Jr., residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng kapulisan, naglalakad ang biktima malapit sa barangay hall nang siya ay barilin ng suspek na si Roldan Castromayor, 37-anyos, live-in partner ng kaniyang kapatid.

Agad na tumakas ang suspek sakay ng kaniyang motorsiklo matapos ang insidente.

Habang agad namang isinugod sa ospital ang biktima matapos itong magtamo ng malubhang sugat sa ulo at sa kaniyang paa.

Binawian ng buhay ang biktima habang ginagamot sa ospital.

Pinaniniwalaang dating away ng dalawa ang motibo sa nasabing pamamaril.

Narekober ng kapulisan sa pinangyarihan ng krimen ang isang fired cartridge at dalawang unfired cartridge ng .45 caliber na baril.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *