Connect with us

Capiz News

Bagong tuntunin sa Privilege Speech sa Roxas City Council, mainit na tinalakay

Published

on

Mainit na tinalakay sa Sangguniang Panlungsod ang panukalang pagpapanibago ng tuntunin sa pagbibigay ng Privilege Speech ng mga miyembro ng konseho tuwing sesyon.

Ang nasabing panukala sa pamamagitan ng isang resolusyon ay inakdaan ni Konsehal Paul Baticados na isang abogado at Chairman ng Committee on Rules and Ordinances.

Nakasaad rito na ang sinomang miyembro na gustong maghatid ng kaniyang privilege speech para magpanukala ng isang batas ay nararapat na magbigay ng kopya ng kaniyang talumpati sa secretarya ng Sanggunian dalawang araw bago ang sesyon.

Pwedeng hindi sundin ang tuntuning ito kapag ang isang panukala ay maituturing na urgent o mahalaga.

Ayon sa kaniya, layunin ng nasabing panukala ang magkaroon ng ideya ang mga miyembro ng Sanggunian kung ano ang punto ng talumpati para makapagbigay sila ng reaksiyon.

Nilahad rin nito sa konseho na layunin rin nito na mapabilis ang trabaho ng mga transcriber ng nilalaman ng sesyon.

Ayon pa kay Baticados, hindi na bago ang tuntuning ito dahil ganito rin ang pinaiiral ng dating mga miyembro ng Sanggunian.

Ilang konsehal ang nagpahayag na ito ay paghihigpit sa kanila na maipahayag ang kanilang saloobin sa mga isyu at magpaabot ng hinaing ng taumbayan.

Matapos ang nasa isang oras na diskusyon, napagkasunduan ng mga miyembro ng Sanggunian na ang tuntunin ay para lamang sa pagpapanukala ng mga batas. Inalis narin ang dalawang araw na palugit a pagpasa ng kopya ng talumpati.

photo by Jericho Celino/FB

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *