Connect with us

Capiz News

Don Chiyuto kinidnap, anim kabilang ang isang pulis arestado; 8 iba pa at-large

Published

on

Arestado ang limang katao kabilang ang isang pulis matapos umanong kidnapin ng mga suspek si Patroceño “Don” Chiyuto sa kaniyang residensiya sa Block 5 Lot 18, Kalaw St., Talon Dos, BF Resort Village, Las Piñas noong Martes, Marso 16.

Kinilala ang mga naaresto na sina Cyryl Nolan Malana, 38-anyos, Maverick Edroll Sapitanan, 24, PSMSgt. Felipe Jimenez Woo, 46, Celso Dela Cruz Lozano Jr, 50, at Margie Grace Sapitanan, 41, at Gao Ya Qiong, isang Chinese, 30.

Ang mga suspek ay naaresto sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa ng mga operatiba ng Criminal Investigation Detection Group at ng National Region Police Office nitong Marso 18.

Ang mga suspek ay inaresto ng kapulisan kasunod ng reklamo ni Diana Custodio Cortez, live-in partner ng biktima noong Marso 17.

Unang naaresto si Malana sa kaniyang residensiya sa Brgy. Bangkal, Makati City. Narekober sa suspek ang isang maroon Mitsubishi Montero na ginamit umano sa pagkidnap kay Chiyuto.

Muling nagsagawa ang mga otoridad ng operasyon sa parehong lugar sa tinitirahan ng supek na si Marlon Guevarra kung saan narekober ang ilang mga armas, mga bala, at mga paraphernalia.

Sunod na naaresto ng kapulisan si Maverick Sapitanan sa Raffles Residence sa kahabaan ng Makati Avenue na planong sanang tumakas kasama ang pulis na si PSMSgt. Jimenez sakay sa isang Suzuki Vitara na menamaneho ng ni Celso Dela Cruz. Sakay rin sa nasabing sasakyan ang ina ni Maverick na si Marie Grace.

Iniumpog pa umano ng driver ang kanilang sasakyan sa nakaharang na sasakyan ng CIDG saka tumakas pa-SKYWAY. Nagkaroon pa ng habulan hanggang sa maabutan ang sasakyan sa Bicutan Exit sa Parañaque City.

Narekober sa suspek na pulis ang kaniyang armas at ang sasakyan ni Maverick.

Huling naaresto ang girlfriend ni Maverick ang Chinese na si Qiong sa Raffles Residences. Nabatid na kasama umano ito sa grupo nang maganap ang insidente sa bahay ni Chiyuto. Narekober sa kaniya ang isang replica ng M4A1, 18 piraso ng bala ng Cal. 22, at pera na mahigit Php50,000.

Patuloy namang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan laban kina Guevarra, 41, owner ng Republic Fitness Gymn, at Jino Ledesma, nasa legal na edad, isang piloto ng Air Asia Airline, at anim na iba pa.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *