Connect with us

Capiz News

45 anyos na lalaki natagpuang patay sa isang palayan sa Sigma, Capiz

Published

on

Isang 45-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa isang palayan sa Brgy. Acbo, Sigma, Capiz.

Kinilala ito sa report ng Sigma PNP na si Anecito Ponsaran, laborer, residente ng nasabing lugar.

Nabatid na umaga nitong Miyerkoles nang matagpuan ni Brgy. Kagawad Arnulfo Arante ang bangkay ng nasabing lalaki na nakataob at ang ulo ay nakalublob sa tubig.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, lumalabas na nakipag-inuman pa ang nasabing lalaki gabi ng Martes sa bahay ni Arlene Arante.

Umuwi umano ang nasabing lalaki na sobrang lasing. Posibleng nakatulog ito sa palayan habang nasa daan at sumubsob ang ulo sa tubig at nalunod.

Matigas na ang katawan ng lalaki ng ito ay matagpuan at wala nang pulso. Walang nakitang mga sugat sa katawan ang kapulisan.

Ayon sa pamilya, may epilepsy ang nasabing biktima.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *