Connect with us

Capiz News

Seaman sa Dumalag, Capiz 5 buwan nang nawawala

Published

on

Umaasa parin ang pamilya ng isang seaman sa Brgy. Dolores, Dumalag, Capiz na matatagpuan nila ito limang buwan na ang nakakalipas.

Mababatid na noong Oktobre 6 nang maibalita na nawawala ang seaman na si Marnel Bulahan matapos tumawid ng ilog papunta sa kaniyang manokan.

Matatandaan na naghire pa ng mga diver ang pamilya para sisirin ang ilog kung saan tumawid ang nasabing seaman pero negatibo ang naging resulta.

Pinabuksan rin noon ang mga tangker sa manokan sa pag-asang mahanap ang 46-anyos na mister pero hindi rin ito natagpuan.

Nitong araw ng Miyerkoles ay muling nagsagawa ng follow-up investigation ang kapulisan ng Dumalag PNP sa lugar dala ang isang dog tracker.

Ayon sa trainor ng nasabing dog tracker, na matunton ang isang bangkay na nakalibing ng anim na talampakan ang lalim. Ito umano ang ginamit sa pagsearch ng mga bangkay sa naganap ng giyera sa Marawi.

Ang nasabing dog tracer ay nirequest ni PMaj. Leomindo Tayopon, hepe ng Dumarao PNP noong Pebrero 2 mula pa sa Marawi at dumating kahapon dito sa Capiz.

Para masiguro na walang problema ang aso, pinahanap pa sa kaniya ang damit ng nasabing seaman at natagpuan rin niya ito.

Matapos ang ilang oras na paggulugad ng aso sa nasabing lugar na posibleng pinaglibingan o kinaroonan ng lalaki, ay negatibo parin ang resulta.

Patuloy na nanawagan ang pamilya sa mga makakita o nakakaalam sa kinaroonan ni Marnel na ipagbigay alam lamang sa kanila o sa mga otoridad.

Huli itong nakitang nakasuot ng black 6 pockets na short, green sando, at puting botas.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *