Connect with us

Capiz News

36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City

Published

on

Arestado ang isang 36-anyos na babae matapos mahuling nagtutulak ng iligal na droga sa Brgy. Agkilo, Panitan, Capiz gabi ng Lunes.

Kinilala ang suspek na si Queenie Again y Liera, residente ng New Road, Roxas City.

Sa buy bust operation, nakabili ang operatiba ng 11 plastic sachets ng pinaniniwalaang shabu.

Narekober sa suspek ang Php15,000 buy bust money, at isang de-keypad na cellphone.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Capiz Provincial Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PMaj. Francisco Paguia at ng Panitan PNP sa pangunguna ni PLt. Merry Chris Dela Cruz.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *