Connect with us

Capiz News

TFRU Office ng Roxas City binaril ng makalawang beses

Published

on

Iniimbestigahan ngayon ng Roxas City PNP ang naganap na pamamaril sa opisina ng Tricyle Franchising and Regulatory Unit (TFRU) nitong Biyernes dakong alas-6:19 ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, makalawang beses nagpaputok ng baril ang suspek dahilan ng pagkabasag ng salamin ng bintana ng nasabing tanggapan.

Ayon sa guwardiya na si Sg. Kinechiro Baler, mabilis na tumakas ang mga hindi pa nakikilalang suspek patungong public plaza matapos ang aksidente.

Narekober sa lugar ang isang empty shell ng .9mm caliber pistol, tatlong fragment slugs at tatlong deformed lead bullet ng hindi pa malamang kalibre ng baril.

Ipapasuri ang mga narekober sa Crime Laboratory para sa ballistic examination.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *