Connect with us

Capiz News

Pampasaherong van bumangga sa nakapark na sasakyan sa Sigma, Capiz

Published

on

Isang pampasaherong van ang bumangga sa nakapark na Toyota Fortuner sa Brgy. Amaga, Sigma, Capiz hapon ng Biyernes.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang sampong pasahero ng van pati na ang driver nito.

Kinilala ang driver ng van na si Jun Siwala, 28-anyos, residente ng Brgy. Nasunogan, Dao, Capiz.

Ayon sa inisyal ng imbestigasyon ng kapulisan, binabaybay ng nasabing van ang kahabaan ng national highway sa nasabing lugar nang maganap ang aksidente.

Nawalan umano ng kontrol sa menamaneho niyang van ang nasabing driver kaya lumihis ito sa kabilang bahagi ng kalsada at bumangga sa likuran ng Fortuner na nakapark sa gilid ng kalsada.

Ang Fortuner ay menamaneho ni Ricky Benesio, 45, residente ng Lemery, Iloilo.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Sigma Emergency Response Team at binigyan ng first aid ang mga pasahero at ang driver.

Iniimbestigahan pa ng Sigma PNP ang aksidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *