Connect with us

Uncategorized

Pamamaril sa bahay ni Madam O, pinabulaanan ng Roxas City PNP

Published

on

ROXAS CITY – Pinabulaanan ng hepe ng Roxas City PNP ang report na may naganap na pamamaril sa bahay ni Junelyn Obamos Gregorio o mas kilala bilang si Madam O, CEO ng “25 days double your money” investment scheme dito sa lungsod.

Sinabi ni PLtCol. Ricardo Jumuad Jr. sa isang panayam na batay sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas City PNP, hindi baril kundi bato ang tumama sa gate ng bahay ni Madam O.

Matatandaan na lumitaw ang balitang pinagbabaril umano ang bahay ng nasabing ginang madaling araw ng Huwebes at may mga narekober pang mga empty shell ng baril sa nasabing lugar.

Ayon sa hepe, matapos makatanggap ng impormasyon na may bahay umano na pinagbabaril sa Brgy. Tiza ay agad itong nirespondehan ng mga tauhan ng Roxas City PNP para magsagawa ng imbestigasyon.

Ilan sa mga residente na nakausap ng kapulisan ang nagsabing hindi sila nakarining ng pagpapaputok ng baril taliwas sa lumitaw na balita.

Sinabi rin ni LtCol. Jumuad na hindi nagpablotter sa kanilang tanggapan si Madam O.

Mababatid na si Madam O ay naging kontrobersyal nitong mga nakalipas na araw matapos hindi na nakapagpay-out sa kaniyang mga investors sa “25 double your money” investment scheme.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *