Connect with us

National

METRO MANILA, NAIS PANATILIHIN NG MGA ALKALDE SA GCQ NGAYONG PEBRERO

Published

on

Metro Manila under GCQ

Iminungkahi ng mga alkalde ng Metro Manila na patuloy na isailalim sa general community quarantine ang National Capital Redion ngayong Pebrero.

Ikinokonsidera ng Metro Manila Council ang pagdating ng mas nakakahawag COVID-19 variant sa bansa, ayon sa chairman council na si Parañaque mayor Edwin Olivarez.

“Ang consensus ng buong council na irekomenda po sa ating IATF na manatili po tayo sa GCQ sa darating na February. Binibigyan po natin ng precaution yung UK variant, yung bagong variant,” pahayag ni Olivarez.
“Kung magluluwag po tayo, napakahirap po na magkakaroon tayo ng spike lalong paparating na ang vaccine,” dagdag pa niya.
Sang-ayon sa mungkahi ang vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez Jr at sinabing ito raw ay “correct judgment.”
Ibinahagi pa ni Olivarez na napagkasunduan din ng konseho na panatilihin sa 15-65 ang age bracket ng mga papayagang lumabas ng bahay alinsunod sa iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *