Connect with us

Uncategorized

SEC. ANDANAR, PINURI ANG PANUKALANG BATAS NA NAGSUSULONG NG KAPAKANAN AT SEGURIDAD NG MGA MAMAMAHAYAG

Published

on

MArtin Andanar
Larawan mula sa philstar.com

Pinuri ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang pag-apruba ng Kamara sa panukalang batas na magbibigay ng dagdag benepisyo at proteksyon para sa mga mamamahayag.

Ang House Bill No. 8140 o ang Media Workers Welfare Act na inihahain ni ACT-CIS party-list Rep. Niña Taduran ay nakatanggap ng suporta ng 218 na mambabatas.

“This brings us a step closer to realizing a law that provides protection and additional benefits for members of the media,” sabi ni Andanar.

Dagdag pa niya,  ang pagsusumikap na maipasa ang nasabing batas ay isa pang patunay na nais ng administrasyong Duterte na protektahan ang karapatan, kapakanan, at kaligtasan ng mga nagtatrabaho sa media.

Ayon pa kay Andanar, nakasaad sa inihahaing batas na ang mga manggagawa sa industriya ng pamamahayag ay makakatanggap  ng mas pinaigting na  proteksyon, seguridad, at benepisyo. Mabibigyan din daw sila ng tinatawag na security of tenure kung saan magiging regular na empleyado na sila matapos ang anim na buwang tuloy-tuloy na  probationary work.

Makakatanggap din daw umano sila ng sahod, allowance at benepisyo na katulad ng isinasaad ng batas para sa ibang mga manggagawa.

“The PCOO sees the HOR’s passage of this bill as a positive development, our office being among those who have been pushing for its swift passage,” ani Andanar.

Sinabi pa niya na ang panukalang batas ay isang mekanismo upang maisakatuparan ang nais ng pangulo na protektahan at itaguyod ang kapakanan ng mga mangagawa sa media.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *