Connect with us

Uncategorized

HELPER NG TRAK NA NAHULIHAN NG BARIL, ARESTADO

Published

on

Numancia – Arestado dahil sa ilegal na pagdadala ng baril ang isang helper ng truck alas 6:40 kagabi sa Tabangka, Numancia.

Nakilala ang suspek na si Ramon Victoriano, 40 anyos ng Sugnod, Malinao.

Base sa report ng Numancia PNP, may isinasagawang imbentaryo sa drug buy bust operation sa lugar ng mapadaan ang suspek sakay ng truck na may mga kargang kahoy.

Pinara umano ang mga ito ng pulis, subalit hindi umano huminto, at nagpatuloy papunta sa Poblacion, Numancia.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa huminto ang truck at doon na nakita ang isang calibre carbine na nasa tabi lamang ni Victoriano.

Wala umano itong maipakitang papeles sa kanyang baril, rason ng kanyang pagkakaaresto.

Kaagad siyang ikinustodiya sa Numancia PNP habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591o Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions na isasampa laban sa kanya.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek tungkol dito.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *