Connect with us

Uncategorized

Biyaheng Bacolod – Iloilo City vice versa, hindi pa maibabalik ang operasyon – MARINA 6

Published

on

Hindi pa maibabalik ang biyahe ng mga fastcraft mula Bacolod City papuntang Iloilo City at pabalik.

Ayon kay MARINA 6 Director Jose Venancio Vero, ito ang naging desisyon ng mga fastcraft operators base sa isinagawa nilang pagpupulong.

Pahayag ni Vero, pag-aaralan pa ng mga operators kapag marami na ang mga pasahero bago sila mag balik sa kanilang operasyon.

Aniya, inihayag din ng mga operators na hindi pa na aprubahan ang kanilang apela na taasan ang pamasahe.

Mababatid na una nang nagpalabas ng Executive Order No. 167 si Iloilo City Mayor Jerry Treñas kaugnay sa pagpapatupad ng balik operasyon ng mga fastcraft.

Samantala, patuloy naman ang biyahe ng mga RORO vessels para sa mga Authorized Persons Outside of Residence (APORs).

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *