Connect with us

Uncategorized

SASAKYAN NG ISANG PULIS TANGALAN, NASUNOG

Published

on

Photo| Tangalan BFP

Nasunog bandang ala 1:20 kaninang madaling  araw sa Poblacion, Tangalan ang sasakyan ng isang pulis ng Tangalan PNP.

Base sa inisyal na imbistigasyon ni fire investigator SFO1 Leo Jismundo ng BFP Tangalan, nirespondehan nila ang nasusunog na sasakyan ng pulis na si PMSgt.Jonel Octavio na isang 2017 Toyota Avanza na nakarehistro sa pangalan ng kanyang asawang si Emie Octavio, pawang residente ng Poblacion, Tangalan.

Ayon pa kay Jismundo, nagising na lamang umano ang pamilya Octavio at ang kanilang mga kapit-bahay dahil sa mga putok mula sa labas ng kanilang bahay kung saan nakaparada ang sasakyan.

Isa sa mga kapit-bahay nila na si Phillip

Talamor ang kaagad humingi ng responde sa mga pulis at bombero na kaagad ding rumesponde sa lugar.

Bagama’t halos nasusunog na ang buong sasakyan, kaagad namang naapula ang apoy at hindi na kumalat at nakapaminsala pa.

Patuloy pang iniimbistigahan ng mga otoridad ang sunog na nag-iwan ng tinatayang P400, 000.00 na pinsala sa mag-asawa.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *